Wednesday, March 19, 2014

Lola Jena

TWINKLE, TWINKLE!


March-April 2014 Forecast

ARIES
Bonggang-bonga ang dating ng Marso! Naaamoy ko ang tagumpay, kaligayahan at pag-ibig sa iyong paligid. Punong puno ng sosyalan at party-party! May posibilidad na makatanggap ng awards. Pagdating ng Abril, masasalo ang lahat ng swerte! Kaya bumili ng lotto at manalo. Ikaw na! Mag-travel ka sa darating na Golden Week.

CAPRICORN
Sawang-sawa ka na sa mga makamundong bagay kaya feel mo namang subukan ang pang spiritual na bagay. Gambatte iru ka ngayon pero marami pang pasaway sa paligid mo. Kaya laging magsindi ng incense at magdasal para makamit ang hinihiling. Sa Abril naman, kailangan mong mag check and balance ng pass book.  Kontrolin ang galit para iwasan ma highblood. Visit the church or temple nearby and listen to the Divine within. Search inside you.

LEO
Sabi nga ng kanta ni Sampaguita, “Panahon na para magsaya, forget mo na ang problema.” Palaging magpa-beauty at maglinis ng bahay para tuluy-tuloy ang saya. Sa Abril, lalo kang in-love na in- love. Swerteng araw mo ang Monday.  Always remember to share your blessings para lalong dumami pa. Padalhan mo na ng isang lapad si Nanay sa Pinas! Twinkle!

PISCES
Super ang energy at uulan ng biyaya ngayon. Maligo araw-araw para lalong humalimuyak ang swerte. Sa Abril, laging magsuot ng red para kontra sa mga naiinggit sa iyo. Mag-ingat sa magnanakaw at huwag shoshoga shoga. Never trust people easily. Suriin maigi ang bawat sinasabi nila sa yo. Twinkle, twinkle!

SCORPIO
May 3rd party sa lovelife mo.  Affected ang health kaya laging genkinai ka.  Huwag laging malungkot, kumain ka lagi ng ice cream para pantanggal ng stress. Sa Abril, gaganda ang takbo ng lovelife mo at pweding manalo ng lotto! Nipisin lang ang make-up! The simpler, the better. Natural beauty is the best. Makamandag na ang beauty mo. Believe that!

VIRGO
Vongacious ang career mo at maraming darating na offer. Tulungan ang friendship na nangangailangan para lalong swertihin.  Magpagupit ng hair para lalong maging attractive. Huwag kalimutan magdasal bago lumabas ng bahay.  Palaging may nagbabantay na anghel sa iyo. Mag-suot lagi ng white.

AQUARIUS
Palitan o itapon  muna ang mga lumang gamit o damit. Mag share sa mga charity institutions para gumanda ang karma. Sabi nga nila: “Charity begins at home.”
Sa Abril naman, magugulat ka sa darating na swerte. Bumili ng crystals para laging magningning ang career. Twinkle, twinkle!

CANCER
Happy-go-lucky muna ang style mo this March! Mag facebook, Tweeter para malibang. May love triangle akong nakikita kaya laging magsuot ng square para pangontra ng gusot sa lovelife. Drink more water and take your vitamins. Mag-aral ka kaya ng ikebena o kaya mag-zumba ka! Beauty na, sexy pa!

GEMINI
Ingatan ang personal hygiene. Maging malinis sa pangangatawan.  Sa Abril, may bagong admirers ka, kaya mag- suot lagi ng pink at bumili ng bagong wallet para swertihin. Bawasan ang karne at damihan ang gulay!

LIBRA
Gawin ang nararapat. Hindi ka mananalo sa lotto dahil hindi ka naman bumibili nito. Sa Abril, bumili ng bagong make-up kit para mapansin ng crush mo. Pangalagaan din ang personal hygiene. Magbabad ka sa ofuro para ma-relax ang isip at katawan mo. Mag enrol sa fitness gym!

SAGITTARIUS
Uminom ka ng Vitamin A for good eyesight para gumaling magbasa. Sa Abril, kailangan bigyan importansya ang kalusugan at maging maingat sa pangangatawan. Magpa-check-up ka sa ospital kung meron nararamdaman sa katawan.

TAURUS
Habang lumalapit ang swerte ay palayo ka naman ng palayo. Ang taong iniisip mo ay hindi ka iniisip kaya huwag mo nang pag aksayahin ng panahon. Ngayong Abril, uso ang “kafunsho” or hay fever kaya mag suot lagi ng face mask. Maging maingat sa kalu- sugan upang maiwasan ang sakit. Take salabat tea with lemons!

No comments:

Post a Comment